top of page

SUCCESS STORIES

ALLAN JAY ROSAL​

ALLAN JAY ROSAL ang pangalan ko, isa ako sa mga naging Millionaires Club and Top Earner ng UNO, pinanganak sa Makati Metro Manila at kasalukuyang nakatira sa Davao City, graduate ng Computer Engineering, pero naging WAITER ng 2 weeks after ng graduation, waiter na, taga hugas pa ng mga pinggan, nag trabaho rin ako sa SM dati, walang wala akong pera nung mga panahon na iyon, 5 buwan din ako araw araw na nag bibisikleta kahit mainit o umuulan papunta lang sa trabaho, nagtiis ako dahil sobrang liit ng kinikita ko, araw araw din puro kwek kwek kinakain ko bago umuwi sa bahay bilang hapunan ko na, wala kasi talaga akong pangkain sa karinderya, yun lang kaya ng pera ko, madalas nalilipasan din ng gutom, madalas pag na flat yung gulong ng bike ko, nilalakad ko pauwi, pag nangyayari yun, napapaluha ako minsan sa kalsada habang hinihila ko bisikleta ko pauwi ng bahay, di ko maintindihan bakit ganun nangyayari sa buhay ko. Madalas ko pinapanalangin na may magbago sa buhay ko.

Hanggang isang araw naimbitahan ako para makinig ng isang seminar, akala ko computer pag uusapan, yun pala, NETWORKING ang pag uusapan at UNO, sobrang duda ako at negative kasi kikita raw kami ng milyon milyon, magkakakotse, makakapagtravel, mabibili mga bagay na gusto namin, sobrang dami kong tanong pagkatapos ng seminar dahil 7 taon akong nakakasali ng mga iba't ibang seminar pero hindi talaga ako sumasali sa mga kumpanya nila, nagkataon lang nung araw na iyon, sobrang bukas na ng isip ko dahil walang wala ako noong mga panahon na iyon.

P200 lang pera ko sa bulsa na pagkakasyahin ko pa sa isang linggo, walang akong pang simula sa negosyo at ayaw akong pahiramin ng pera ng mga kakilala ko, at sobra silang NEGATIVE, pero hindi ako nakinig sa kanila, nakagawa ako ng paraan at sinubukan ko yung negosyo, hindi ko naintindihan yung ibang sinasabi ng speaker pero isa lang pumasok sa isip ko, KUNG SUSUBUKAN KO ANG UNO, may pwedeng mabago sa buhay ko.

Trinabaho ko yung sistema ng negosyo, maraming hindi naniwala sa akin pero nagtuloy tuloy lang ako. Naniwala ako sa sarili ko na kikita talaga ako, trinabaho ko lang, at hindi ako tumigil, unang buwan ko ng kita ay P450, sabi ko sa sarili ko, naloko yata ako sa UNO kasi P450 ang tseke ko after 1 month, grabe trabaho pero sobrang liit ng kita, nagtanong ako sa mga nag invite sa akin, ang sabi sa akin, huwag lang ako titigil, at minsan sa maliit ka talaga magsisimula, second month 0 tseke ko, third month 0 tseke, fourth month 0 pa rin, pero sabi ko lang din sa sarili ko...
''HINDI AKO TITIGIL MAY MANGYAYARI SA AKIN SA UNO''
Kulang lang pala ako ng trainings, kaya pumunta ako parati sa mga trainings, inaral ko ang negosyo, araw araw ako pumunta sa opisina at kumausap ng kumausap ng mga tao.


Hanggang sa naranasan kong kumita ng P5,000 isang buwan, umabot ng P20,000 to P30,000 isang buwan, nag resign ako sa trabaho ko at lalong lumaki ang income, hanggang sa kumita ako P71,000 in 3 weeks lang, hanggang sa pumalo ako ng mas malaki pa buwan buwan, P100thou to P150thou/month.

Totoo pala sinabi nila, HUWAG LANG TALAGA TITIGIL.

Natupad isa sa mga hiling ko, ayaw ko na mag bike, ayaw ko ng mag JEEP, mag commute, nang dahil sa UNO nakabili ako ng sarili kong kotse, CASH.











































 

Sabi ng iba wala raw mangyayari sa akin sa UNO, niloloko lang daw ako ng mga nag invite sa akin, pero HINDI AKO NAKINIG SA MGA NEGATIVE! pero hinataw ko talaga at nagka AWARDS ako.

EAGLES CLUB
ONE TEAM MEMBER
SPEAKERS BUREAU
MILLIONAIRES CLUB
TOP EARNER
and mga SPECIAL AWARDS.
Awarding of Millionaires Club sa Araneta Colesium

Sobrang saya ko ng maabot ko rin ang Millionaires Club and Top Earner award. Hindi ko makakalimutan ang araw na after ko nakuha ang award ko na Millionaires Club,

niyakap ako ng papa ko sa Araneta at sinabi niya na ''I'M PROUD OF YOU SON, ITULOY MO YAN, YAYAMAN KA TALAGA!'', maigisi at simpleng salita na nagpatulo ng luha ko noong araw na iyon, dati kasi ayaw talaga ng father ko na mag UNO ako, pero sinunod ko ang gusto ko, sana yakapin ka rin ng magulang mo at matuwa sila pag na awardan ka na ng Millionaires Club, walang katumbas na salapi pag nangyari yun sa iyo.


Celebration namin dati para sa mga TOP EARNERS, buffet sa Manila Bay and konting party.

Last December 25, 2011, ito yung dinonate ko sa church, one of this days, gusto ko mas malaki pa mabigay ko. Gusto ko rin mas marami pa akong bata na mapakain someday, sarap pala, kahit P525 na pang MCDO, yung ngiti nila, walang katumbas na pera.

 

Kahit papaano, hindi na rin ako nagbibisikleta ngayon, dati pupunta ako sa SM, naka bike, pawis galing sa init at sikat ng araw, mas ok na ngayon kasi naka kotse na rin ako, amoy lemon, hindi na nababasa ng ulan, hindi na rin sumusulong sa baha, dati puro karinderia, ngayon nakakakain na rin sa mga mamahaling restaurant, sa mga hotel, sa mga resort, dati pangarap ko maging piloto, di nagkatotoo, magiging pasahero pala nila ako sa eroplano, sobra na sa 34x na rin ako sakay ng sakay, napuntahan ko rin ang mga lugar na di ko pa narating dati, nakakapag kape kung saan nagkakape ang mga may kaya, kahit papaano alam ko na rin ang ibig sabihin ng salitang SHOPPING, dati puro lang kasi WINDOW SHOPPING, nabili ko lahat ng mga gadget na gusto ko na dati ko lang tinitingnan sa mga malls, dati iniisip ko paano ko mabibili yung mga iyon, ngayon hawak ko na sila lahat.

 



















Pinagdasal ko lang talaga ito sa Panginoon, na makaahon kahit papaano, marami pa akong gustong marating sa buhay, marami pa akong plano, gaya rin ng nakasulat sa (Jeremiah 29:11), napapaluha ako minsan pag halos di ko na kaya, Siya lang nasusumbungan ko sa mga pinagdadaanan ko, dami kong hirap na tiniis, gutom, puyat, luha, pagod, mga kantyaw, totoo sabi nila, nakikita NIYA lahat ng mga hirap natin, huwag lang tayong magsawa na tumawag sa Kanya, sasagutin din Niya lahat ng mga panalangin natin....

Alanganin ako na isulat ito dati, pero alam ko wala namang masama na ibahagi ito sa iba. Sana nakapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa iyo, magtulungan tayo na makatulong sa iba, subukan mo ang negosyo namin, marami rin ang susuporta sa iyo dahil lahat kami nagtutulungan.
MAG MESSAGE KA LANG sa FACEBOOK ko, hihintayin kita. salamat po. ;)

News

"Don't Work for Money Let the Money Work for you!"

© Unlimited Network of Opportunities Harold Albert C. Chang

Cell# 0930-699-6611

          0906-398-4496

bottom of page